VIRAL | Pagiging low profile nila Ellen Adarna at John Llyod Cruz, usap-usapan

649

Pinag-uusapan sa social media ang pinaka-latest na larawan nina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna, kung saan bakas ang simpleng pamumuhay ng dalawa sa kasalukuyan.

Sa isang page, na dedicated sa magkasintahan, naka-post ang larawan ni John Lloyd, naka suot ng itim na sando, shorts at pulang sumbrero, habang namimili ng ketchup sa grocery store.

Sa isang larawan, kita rin na nasa grocery si Ellen Adarna na nakasuot ng itim na T-shirt at itim na leggings.

Natuwa ang ilang netizen, dahil tila kuntento na ang dalawa sa simpleng pamumuhay, habang kinuwestyon naman ng iba ang pagpunta ng dalawang aktor sa pampublikong lugar sa kabila ng paggigiit ni Adarna na nais niya ng privacy.

Matatandaang lagpas isang taon na ng nagpahinga mula sa mundo ng showbiz ang dalawa. Marami na rin ang mga usap– usapan kaugnay sa relasyon nila ang lumutang, tulad ng balak nilang pagpapakasal at pagsasama sa iisang tahanan, ngunit tanging ang panganganak lang ni Adarna noong Hunyo ang kinumpirma ng kaniyang abugado.

Facebook Comments