VIRAL | Pinay youtuber na si Michelle Dy, posibleng kasuhan ng isang international beauty vlogger

3665

Manila, Philippines – Trending ngayon sa social media ang Pinay youtuber na si Michelle Dy.

Ito ay matapos mag-rant at magbanta ang international beauty vlogger na si Jeffree Star na kakasuhan niya si Michelle dahil sa panggagaya nito sa kanyang “Jeffree Star Approved” series sa youtube.

Nag-ugat ang isyu matapos mag-post ng dalawang video si Michelle sa kanyang channel para sa bagong series na tinawag niyang “MD approved.”

Napansin ng mga fans ni Jeffree na parang ginagaya ni Michelle ang original series nito at kinalaunan ay nakarating ang naturang impormasyon mismo kay Jeffree.

Nag-comment pa si Jeffree sa mismong video ni Michelle at sinabing ninakaw nito ang kanyang “approved” series.

Aniya, ito ay gawain ng mga taong ‘boring’ at ‘unoriginal.’

Dagdag pa ng American Beauty Guru, naka-copyright sa Estados Unidos ang “Jeffree Star Approved”.

Bilang depensa ay nagpost si Michelle sa kanyang twitter at ipinaliwanag na halaw talaga ang kanyang “MD approved series” sa makeup series ng American beauty vlogger.

Aniya, hindi niya alam na naka-copyright pala ang series.

Humingi rin ng paumanhin si Michelle kay Jeffree at sinabing tinanggal na niya ang “MD approved series” sa kanyang youtube channel.

Facebook Comments