VIRAL | Sara Duterte, trending matapos resbakan ang isang basher

3372

Usap-usapan sa social media ang pagsagot ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa isang basher sa Instagram.

Nag-ugat ito sa post ni Mayor Sara tungkol sa kung paano siya kinukunan ng litrato habang naka-motorsiklo.

Komento ng isang netizen, subukan din ng alkalde na mag-motor sa Toril, Davao City hanggang Digos kung saan muntik na siyang mabangga dahil walang streetlights.

Sagot ni Inday Sara, hindi lang sila namamasyal habang naka-motor kundi nagpupunta rin sila sa mga barangay.

Giit ni Mayor Duterte – hindi siya ang mayor ng Davao del Sur para makialam doon pero tiniyak niyang ang may streetlights ang Davao City na kanyang nasasakupan.

Dagdag pa ng presidential daughter, sana mabangga ang basher para mawalan ng isang bastos ang mundo.

Facebook Comments