
Inatasan ng Department of Justice (DOJ) sa Bureau of Immigration (BI) na palawigin pa ang visa ng mga dayuhang nasa bansa na apektado ng nagpapatuloy na tensiyon sa Middle East.
Ito ay matapos ipag-utos ni Justice Secretary Eric Vida na bigyan ng visa relief ang mga foreign national na hindi makaalis ng bansa dahil sa mg kanseladong flights dulot ng kaguluhan.
Sa ilalim ng kautusan, papayagan ang mga dayuhang nag-expire ang visa noong February 28 na manatili sa Pilipinas hanggang April 1.
Hindi na rin sila pagbabayarin ng anumang fees at iba pang mga multa dahil sa pananatili sa bansa.
Sabi ng kalihim, layon ng hakbang na ito na tulungan ang mga apektado at magpakita ng malasakitsa gitna ng nararanasang krisis.
Facebook Comments










