Visayas at Mindanao, makatatanggap na rin ng Sinovac vaccines sumula March 3 at 5 – Galvez

42

Nakatakdang ibiyahe simula bukas, March 3 ang inisyal na supply ng Sinovac vaccines na donasyon ng China sa Visayas at Mindanao.

Ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., ang supply ng Sinovac doses ay ipapadala sa Vicente Sotto Memorial Medical Center sa Cebu City para sa rollout sa Visayas at Southern Philippines Medical Center sa Davao City para sa Mindanao.


Hindi pa malinaw kung gaano karaming doses ang ilalaan sa Visayas at Mindanao.

Pero sinabi ni Galvez na inatasan siya ni Pangulong Rodrigo Duterte na magkaroon ng equal distribution ng vaccine donations.

Facebook Comments