
Mula alas-singko ngayong hapon hanggang mamayang alas-otso ng gabi ay isasailalim sa Yellow Alert status ang Visayas Grid.
Ito ang abisong inilabas ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) kasunod ng manipis na naman at hindi makakasapat na suplay ng kuryente sa Visayas region.
Sa datos na inilabas ng NGCP, mayroon lamang available capacity na 2,684mw ngayong hapon sa Visayas Grid na halos pumantay na sa peak demand ng mga consumer na 2,512mw.
Ayon sa grid operator, ito ay dahil sa 11 planta ang sapilitang tumigil ang operasyon hanggang nitong march 2026, siyam rito noong 2021 at noong 2023 hanggang noong nakalipas na taon.
Bukod pa anila ito ang siyam na plantang tumatakbo sa mababang kapasidad, kaya umaabot sa 833mw ang kabuuang kuryenteng hindi maibigay sa Visayas Grid.
Ang Yellow Alert status sa power grid ay isang abiso na nagpapahiwatig ng kakulangan sa suplay ng kuryente.










