
Itinaas ngayong Sabado, August 15 ng National Grid Corporation o NGCP ang Red Alert sa Visayas Grid dahil sa manipis na reserba ng suplay ng kuryente.
Magsisimula ito ng alas-5 ng hapon hanggang alas-8 ng gabi.
Ayon sa advisory, 2,350 megawatts ang available capacity habang inaasahang nasa 2,475 megawatts naman ang peak demand.
Samantala, apat na power plant ang naka-forced outage ngayong buwan, habang 15 power plants naman ang kasalukuyang umaandar sa derated capacities.
Sa kabuuan, umaabot sa 806.4 megawatts ang hindi magamit na capacity para sa grid.
Matatandanag ang Red Grid Alert ay iniisyu kapag hindi sapat ang suplay ng kuryente para punan ang demand ng mga consumer at regulating requirement ng grid.
Facebook Comments










