Viva Magenta, idineklarang Color of the Year 2023 ng kumpanyang Pantone

Inanunsyo ng Pantone Color Institute ang Viva Magenta bilang Color of the Year para sa taong 2023.

Ang Viva Magenta ay isang pinaghalong matingkad at maputlang shade ng crimson red.

Sumagisag ang naturang kulay ng katapangan at kaligayahan.


Ayon sa Pantone, napili nila ang hindi pagkaraniwang kulay na ito upang ipakita ang mas positibong hinaharap sa buhay matapos padapain ng COVID-19 ang mundo.

Facebook Comments