
Boluntaryong sumuko sa Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) sa Kampo Karingal ang vlogger na si Ka Eric Celiz.
Kasunod na rin ito ng inilabas na warrant of arrest ni Judge Editha Miña-Aguba ng QC Regional Trial Court Branch 100 dahil sa kasong sedition in relation to Cybercrime Prevention Act of 2012.
Binasahan ng Miranda Rights si Celiz at bandang ala-una kanina ay ni-release rin siya ng CIDU dahil natapos nang iproseso sa korte ng kaniyang abogado ang kaniyang piyansa.
Nasa ₱36 thousand pesos ang itinakdang piyansa ng korte para sa pansamantalang paglaya ng naturang vlogger.
Ang naghain ng reklamo laban kay Celiz ay si Police Captain Amaron Saidamen ng PNP-CIDG Major Crimes Investigation Unit.
Facebook Comments










