Vlogger na si Toni Fowler at mahigit 20 iba pa, hinuli ng Quezon City Task Force Disiplina dahil sa paglabag sa health protocols

835
Photo Courtesy: Task Force Disiplina

Dinakip ng Quezon City Task Force Disiplina ang 30 katao matapos na magtipon-tipon sa Quezon City.

Kabilang sa mga hinuli ng task force ang kilalang Vlogger na si Toni Fowler.


Ang naturang mga indibidwal ay hinuli matapos na lumabag sa health protocols makaraang magkumpulan sa nasabing event.

Samantala, patuloy rin ang paghuli ng task force sa kahabaan ng Commonwealth Avenue para sitahin at tiketan ang mga nadadaanan na lumalabag sa mga ordinansa ng lungsod, partikular na sa health and safety protocols tulad ng mga nakababa ang face mask at mga naninigarilyo sa pampublikong lugar.

Facebook Comments