Voter registration sa Ali Mall Activity Center, limitado lamang para sa residente ng District 3 Quezon City

112

Nilinaw ng Quezon City Commission on Election (COMELEC) na limitado lamang ang registration sa Ali Mall Activity area sa Araneta Center para sa satellite voter registration para sa mga residente ng lungsod.

Ayon sa COMELEC, ang registration kanina sa nasabing lugar ay limitado lamang para sa mga residente ng District 3 kung saan mayroong 37 barangay ang nakapaloob dito at may 324,669 na populasyon.


Paliwanag ng QC COMELEC na sunod namang isasagawa ang voter registration sa Eastwood Mall simula bukas, September 28 hanggang 30.

Tuloy-tuloy naman ang isinasagawang satellite registration ng iba pang distrito sa mga itinalaga nilang lugar.

Facebook Comments