Voter’s Registration sa Dagupan City, walang extension ayon sa Comelec

Wala ng palugit na ibibigay ang Comission on Elections (COMELEC ) Dagupan sa voter’s registration sa huling araw ng pagpaparehistro ngayong araw, September 30, 2019.

Sa panayam ng IFM Dagupan kay Attorney Michael Franks Sarmiento, COMELEC Officer ng Dagupan City, hinikayat nitong magpunta ang mga nagnanais na magparehistro sa City Mall Mayombo Dagupan o sa kanilang tanggapan upang makapag parehistro.
Dagdag nito, hindi nagkulang ang ahensya na paalalahanan ang mga nagnanais na magparehistro.

Hanggang 3:00 ng hapon ngayong araw ang nakatakdang oras para sa mga magpaparehistro. Samantala, umabot na sa higit 10, 000 ang nagparehistro mula August 1 ngayong taon.
##


Facebook Comments