Voters registration sa MECQ areas, suspendido – COMELEC

39

Muling nilinaw ng Commission on Elections (COMELEC) na ang walang voters registration sa mga lugar na nasa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) hanggang June 30.

Ayon kay COMELEC Spokesperson James Jimenez, awtomatikong suspendido ang voter registration sa mga lugar na may mahigpit pa ring quarantine classification.


Pero ang mga lugar na nasa ilalim na ng General Community Quarantine (GCQ) ay nagpapatuloy ang voter registration.

Sa datos ng COMELEC, umabot sa 3,483,298 ang voter registration applications na inihain mula January 20, 2020 hanggang May 15, 2021.

Facebook Comments