Monday, July 20, 2026

VP Duterte, dapat sumipot sa impeachment court para mag-enter ng plea sa kinakaharap na impeachment case

Binigyang-diin ni House prosecutor at Akbayan Party-list Rep. Chel Diokno na dapat sumipot sa impeachent court si Vice President Sara Duterte para magpasok ng plea kaugnay sa kinakaharap na impeachment case.

Paliwanag ni Diokno, malinaw sa rules ng Senado bilang impeachment court ang utos na sagutin ni VP Sara ang articles of impeachment at dapat din magkaroon ng isang hearing na haharap ito para malaman kung ano ang magiging plea niya.

Ayon kay Diokno, kung magmamatigas si VP Duterte na huwag magpakita, ang impeachment court na ang bahalagang maglatag ng not guilty plea para sa kanya.

Binanggit ni Diokno na batay sa rules, sa pagsisimula ng impeachment trial sa July 6 ay dapat mag-isyu ang Senate Impeachment Court ng writ of summons para sa entry of appearance ni VP Duterte.

Facebook Comments