VP-elect Sara Duterte, iniaalay ang pagkapanalo laban sa mga biktima ng terorismo

69

Iniaalay naman ni Vice President-elect Sara Duterte ang kaniyang pagkapanalo sa 2022 elections sa mga biktima ng terorismo, pang-aabuso, kriminalidad at bullying.

Ayon kay Duterte, gagamitin niya ang oportunidad na ibinigay sa kaniya upang tapusin na ang mga ganitong problema at magkaisa na ang mga Pilipino.

Kasunod nito, nagpasalamat si Duterte sa Commission on Elections, mga guro, uniformed personnel, at sa kongreso dahil sa naging mapayapa at maayos na halalan.


Samantala, hindi naman dumalo sina Pangulong Rodrigo Duterte sa proklamasyon kahapon na ginanap sa Batasang Pambansa.

Facebook Comments