VP Leni, handang sumabak sa drug test anumang oras o kahit biglaan

100

Walang problema kay Vice President Leni Robredo kung sumalang sa drug test.

Ginawa ang pahayag kasunod ng sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na may tatakbo sa pagkapangulo na gumagamit ng droga.

Ilan sa mga kandidato na ang sumalang sa drug test para patunayan na hindi sila sangkot sa droga.


Ayon kay VP Leni, handa rin siyang sumalang kahit biglaan pa.

Mas mainam kasi aniya kung hindi planado ang pagsalang sa drug test para makita ang totoong sitwasyon.

Hindi na rin aniya importante kung sa pribado o pampubliko isasagawa ang drug test basta ito ay pinagkakatiwalaan ng tao.



Kahapon bumisita si VP Leni sa Bulacan para sa Vaccine Express.

Ipinakita naman ng mga taga-Bulacan ang matinding suporta sa bise presidente.


Facebook Comments