VP Leni Robredo, binakunahan na ng COVID-19 vaccine

39
Photo Courtesy: VP Leni Robredo

Naturukan na ng first dose ng AstraZeneca si Vice President Leni Robredo at ang kaniyang mga staff.

Nag-post sa kaniyang Facebook page si Robredo ng kaniyang pagpapabakuna sa Pinyahan Elementary School sa Quezon City.


Si Robredo ay kabilang sa A3 priority list o mga taong may comorbidity.

Ayon kay Robredo, kabilang sa mga sumabay sa kaniyang magpabakuna ay ang mga staff niya na noong una ay nag-aatubiling magpaturok ng COVID-19 vaccine.

Aniya, kahit ang isang driver niya noon ay nag-resign dahil sa takot na magpabakuna.

Hinikayat ng bise presidente ang publiko na magtiwala at huwag matakot magpabakuna ng COVID-19 vaccine.



Facebook Comments