VP Leni Robredo, duda na may sumasabotahe sa war on drugs campaign ng pamahalaan

Manila, Philippines – Duda naman si Vice President Leni Robredo na may sumasabotahe sa kampanya ng pamahalaan laban sa ilegal na droga.

Ito’y matapos ihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na may nagsasamantala sa war on drugs.

Ayon kay Robredo – resulta ito ng maraming insidente ng patayan kung saan pati ang mga menor de edad ay nadadamay na rin.


Bagamat matindi ang problema ng ilegal na droga sa bansa, hindi solusyon ang pagpatay.

Una rito, inatasan na ni Pangulong Rodrigo Duterte na busisiing mabuti ang mga kaso ng pagpatay na kinasangkutan ng ilang menor-de-edad.

Facebook Comments