VP Leni Robredo, ibinahaging inalok ni PNoy na iburol si Jesse sa Libingan ng mga Bayani

Ibinahagi ni Vice President Leni Robredo na inalok ni dating Pangulong Benigno Aquino III na iburol ang kaniyang yumaong asawa na si dating Department of the Interior and Local Government (DILG) Jesse Robredo sa Libingan ng mga Bayani.

Pero ayon kay Robredo, mas ninais ng ng kaniyang yumaong asawa na iburol sa Naga City na kaniyang tahanan at mas hihilingin nitong maging malapit sa kaniyang mga kababayan.

Maliban dito, inalok din aniya siya ni PNoy na pag-aralin ang kaniyang mga anak ngunit tinanggihan niya ito.


Matatandaang nasawi si dating Interior Secretary Jesse Robredo dahil sa plane crash noong 2012.

Facebook Comments