VP Leni Robredo, lumipad patungong Tokyo Japan para sa pagdalo sa Global Summit of Women

61

Manila, Philippines – Lumipad na patungong Tokyo, Japan si Vice President Leni Robredo.

Nakatakdang dumalo si Robredo sa dalawang araw na Global Summit of Women kung saan magbibigay siya ng talumpati.

Dadaluhan din ito nina Japanese Prime Minister Shinzo Abe, Vietnamese Vice President Dang Thi Ngoc Thinh at iba pang kinatawan ng mga kababaihan sa iba’t ibang panig ng mundo.

Ang summit ay may temang “Beyond Womenomics: Accelerating Access” kung saan tatalakayin kung paanong naaabot ng mga kababaihan ang mga puwesto sa liderato ng mga korporasyon gayundin ang iba’t ibang istratehiya na susuporta sa mga negosyong pinatatakbo ng kababaihan.

DZXL558

Facebook Comments