VP Leni, tiniyak na walang dapat ikabahala sa ilalabas niyang report tungkol sa war on drugs

314

Muling iginiit ni Vice President Leni Robredo na walang dapat ikabahala ang sinuman sa kanyang magiging ulat kaugnay sa giyera kontra droga.


Ayon kay Robredo – wala siyang sasabihing masama sa kanyang ulat sa bayan sa Lunes, December 16.

Ang mga magiging laman nito ay mga rekomendasyon base sa nakita niyang pagkukulang sa sistema ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs o ICAD.

Nanawagan din si Robredo na dapat maging bukas ang lahat sa kanyang mga sasabihin.

Facebook Comments