VP Robredo bukas makipag-dayalogo kay Pangulong Duterte ukol sa mga isyu sa WPS, hindi debate

Hindi interesado si Vice President Leni Robredo na makipagdebate kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

Ito ang tugon ng kapo ng bise presidente sa harap ng hamon ni Roque kay Robredo.

Ayon kay Atty. Barry Gutierrez, ang tagapagsalita ni Robredo, bukas ang pangalawang pangulo na makipag-usap kay Pangulong Rodrigo Duterte para talakayin ang isyu sa West Philippines Sea.


Sa isyu aniya nakatuon si Robredo at hindi siya nanawagan ng debate.

Bukod dito, nagkomento na si Robredo sa mga pahayag ni Pangulong Duterte kaya walang kinalaman dito si Roque.

Naniniwala rin si Gutierrez na pinagtatakpan lamang ng administration officials ang pag-atras ng Pangulo sa hamon nitong debate kay dating Senior Associate Justice Antonio Carpio at binabaling sa iba ang atensyon.

Facebook Comments