VP Robredo, dadalo sa SONA ni PRRD

Dadalo si Vice President Leni Robredo sa ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa July 22.

Ito ang kinumpirma ng Office of the Vice President (OVP) kahapon.

Si Robredo ay naging bahagi ng gabinete ng Pangulo bilang kalihim ng Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC).


Gayunman, naging maikli lang ang kanyang panunungkulan sa ahensya.

Simula December 2016, pinagbawalan din si Robredo na dumalo sa mga cabinet meeting matapos akusahan ng Pangulo ang Liberal Party na pasimuno ng ouster plot laban sa kanya bagay na itinanggi ng pangawalang pangulo.

Nabatid na laging present sa SONA ni Pangulong Duterte si Robredo pero hindi na ito nagpapaunlak ng panayam pagkatapos ng event.

Facebook Comments