VP Robredo, hindi inaalis ang posibilidad na tumakbo sa 2022 presidential elections

Manila, Philippines – Hindi raw inaalis ni Vice President Leni Robredo ang posibleng pagtakbo niya sa pagka-pangulo sa halalan sa 2022.

Sa isang panayam sa Naga City, sinabi ng Bise Presidente – ‘lahat naman ay posible’.

Pero aniya, hindi pa niya ito pinaghahandaan dahil masyado pang maaga at marami pang maaaring mangyari.


Sa ngayon, nakatutok daw siya sa mga programa at proyekto ng kanyang opisina at ayaw niyang mahaluan ito ng pulitika.

Dagdag pa ni Robredo – marami pang isyu na dapat mas unahin gaya ng problema sa mga mangingisda at agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea.

Facebook Comments