VP Robredo, hindi mabibitiw bilang ICAD Chairperson

165

Hindi magbibitiw si Vice President Leni Robredo bilang Co-Chair ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs.

Ito ang tugon ng kanyang kampo sa kabila ng pagmamaliit ni Pangulong Rodrigo Duterte.


Ayon kay Atty. Barry Gutierrez, ang tagapagsalita ni robredo, kahit limitahan ang kanyang mandato bilang Anti-Drug Czar ay hindi ito makakaapekto sa kanyang committment na gawin ang kanyang trabaho.

Iginiit ni Gutierrez na si Pangulong Duterte ang nag-alok ng posisyon kay Robredo at hindi ito hiniling ng Bise Presidente.

Sa ngayon, hinihintay ni Robredo ang paglilinaw sa lawak ng kanyang mandato.

Facebook Comments

From Advertisers