VP Robredo, hindi natatakot sa bantang impeachment

Hindi nababahala si Vice President Leni Robredo sa bantang impeachment complaint laban sa kanya bunsod ng pagsuporta nito sa imbestigasyon ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) sa bansa.

Ayon sa tagapagsalita nito na si Atty. Barry Gutierrez, hindi na bago kay Robredo ang mga ganitong banta.

Mula nang maupo noong 2016, ilang bantang impeachment na ang kinaharap ng Bise Presidente maliban pa ang electoral protest, online harassment at fake news.


Aniya, hindi hahayaan ni Robredo na maging sagabal ang isyu sa pagtulong niya sa mga Pilipino.

Facebook Comments