VP Robredo, iginiit na kailangan ng safeguards ang PhilHealth

Iginiit ni Vice President Leni Robredo na dapat magkaroon ng safeguards ang Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth para matiyak na hindi na mauulit mga insidente tulad ng pagkawala ng ₱154 billion na napunta sa “ghost” patients at health services.

Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, sinabi ni Robredo na dapat lamang na mag-ingat ang PhilHealth para maiwasan ang mga ‘fake dialysis.’

Sinupalpal din ni Robredo ang mga taong nasa likod ng modus.


Masakit aniya na imbes na napunta sa mga nangangailangan ang pondo ay napunta ito sa kamay ng mga maling tao.

Facebook Comments