VP Robredo, inimbitahan sa SONA pero via Zoom lamang

Hindi kabilang si Vice President Leni Robredo na inimbitahang dumalo ng pisikal sa huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Batasang Pambansa sa Lunes, July 26.

Ayon kay VP Spokesperson Atty. Barry Gutierrez, si Robredo ay inimbitahan lamang na mapanood ang SONA ng pangulo sa pamamagitan ng Teleconferece o Video call application na Zoom.

Noong nakaraang taon, virtual lamang din ang attendance ni Robredo sa SONA ni Pangulong Duterte, kasama ang iba pang dignitaries.


Kumpara noong nakaraang taon na nasa 50 lamang ang pinayagang dumalo ng pisikal sa SONA, ngayong taon ay aabot sa higit 350 panauhin ang inaasahang dadalo.

Ang mga guest ay sinasabing mga miyembro ng pamilya, mambabatas, Cabinet members, political allies, at miyembro ng diplomatic corps.

Facebook Comments