VP Robredo, isinantabi ang pulitika para gampanan ang pagiging ‘Anti-Drug Czar’

Isinantabi ni Vice President Robredo ang kanyang mga plano sa pulitika para gampanan ang trabahong ini-atas sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang iginiit ng kanyang tagapagsalita na si Atty. Barry Gutierrez matapos sabihin ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na magandang ‘political ladder’ para kay robredo ang pagiging ‘Drug Czar.’

Bwelta ni Gutierrez, nakatutok ang Bise Presidente sa pagpapahinto ng pagpatay sa mga inosente, pagbibigay ng hustisya sa mga biktimang walang kasalanan at panagutin ang mga abusadong opisyal.


Mas prayoridad aniya ni Robredo ang kapakanan ng mamamayan.

Facebook Comments