VP Robredo, kayang maghintay hanggang Setyembre bago ihayag ng plano para sa eleksyon

94

Kayang maghintay ni Vice President Leni Robredo hanggang Setyembre bago ito mag-anunsiyo kung ano ang plano sa 2022 national elections.

Ito ang inihayag ng kanyang tagapagsalita matapos sabihin ni Robredo na nananatili siyang bukas sa pagtakbo bilang pangulo sa susunod na taon.


Ayon kay Atty. Barry Gutierrez, posibleng isang buwan bago ang paghahain ng Certificate of Candidacy ianunsiyo ni Robredo kung ano ang kaniyang magiging desisyon.

Aniya, sa ngayon ay maingat na tinitimbang ni Robredo ang magiging desisyon lalo na’t maaga pa naman para mag-anunsyo ng mga plano ang mga potensiyal na kakandidato.

Facebook Comments