VP Robredo, kumasa sa hamon ni Sen. Bong Go na magpaturok siya ng COVID-19 vaccine

593

Bilang tugon sa hamon ni Senator Bong Go, kumasa si Vice President Leni Robredo na ipakita sa publiko na handa siyang magpaturok ng COVID-19 vaccine.

Ito’y upang makumbunsi ang publiko na makibahagi sa vaccination program kontra COVID-19.


Ayon sa tagapagsalita ng Bise Presidente na si Barry Gutierrez, unang bahagi ng December 2020, nagpahayag na ng kahandaan si VP Leni na magpabakuna upang ipakita sa publiko na hindi dapat matakot sa bakuna.

Ani Gutierrez, may dalawang prayoridad na isinaalang-alang ang Bise Presidente sa usapin ng bakuna.

Ito ay ang pagtiyak na ito ay madaling mapasakamay ng publiko, mura at epektibo.

Nakahanda aniyang ibigay ni Robredo ang bahagi niya sa kampanya.




Facebook Comments