VP Robredo, nag-react matapos mapagkamalang siya ang nasa litrato ni Rachel Alejandro

50

Nag-react si Vice President Leni Robredo matapos mag-viral ang vacation photo ni Rachel Alejandro sa Palawan.

Ang ilan kasi sa mga netizen napagkamalang si Robredo ang nasa selfie-photo.


Sa kanyang Facebook page, ipinakita ni VP Leni ang screenshot ng litrato ni Rachel sa beach at sinabing hindi niya alam kung bakit ipinapadala sa kaniya ang picture.

Pero nilinaw niya na hindi siya ang babae sa litrato kundi si Alejando.

“Kalma lang po. Hindi ako yan, Andito po ako sa opisina, wala sa Palawan,” ani Robredo.

Humingi si Robredo ng paumanhin kay Rachel matapos makatanggap ng batikos.




Facebook Comments