VP Robredo, nagpasalamat sa mataas na approval at trust rating

165

Nagpasalamat si Vice President Leni Robredo sa publiko sa patuloy na pagtitiwala sa kanya.

Ito ay kasunod ng lumabas na survey ng Pulse Asia kung saan nakakuha si Robredo ng 62% approval at 56% trust rating.

Sa programang Biserbisyong Leni ng RMN Manila, mahalaga ito para sa kanya lalo at patuloy ang pagbato ng paninirang-puri laban sa kanya.

Dahil aniya sa mga Pilipino, patuloy siyang tumatayo at lumalaban.

Nakikita ni Robredo ang kahalagahan ng survey para malaman na hinaing ng publiko sa kanilang mga public official.

Ang Pulse Asia survey ay isinagawa December 14 hanggang 21, 2018.

Facebook Comments