VP Robredo, nakiusap sa mga taga-suporta na pairalin ang bayanihan

36

Umapela si Vice President Leni Robredo sa kanyang mga taga-suporta na pairalin ang bayanihan sa halip na magkabit o magpaskil ng mga poster na nananawagan sa kanyang pagtakbo sa susunod na halalan.

Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, nanawagan si Robredo sa kanyang mga taga-suporta na ihinto ang ginagawang promotion sa kanya at sa halip ay gamitin ang pera para tumulong sa mga nangangailangan.


Binigyang-diin ni Robredo na mag-focus sa mga bagay na makakatulong sa bansa lalo na at bumabangon pa ang bansa mula sa pandemya.

Nagpapasalamat siya sa kanyang mga taga-suporta na lumalahok sa humanitarian aid initiatives.

Facebook Comments