VP Robredo, nakiusap sa trolls at kritiko na huwag sayangin ang pera at oras sa kaniya

56

Ipinagtataka ni Vice President Leni Robredo kung bakit marami pa rin sa kanyang mga kritiko at online trolls ang nag-aaksaya ng panahon sa kanya kung alam nilang wala siyang tiyansang manalo sa nalalapit na Presidential Elections.

Ito ang pahayag ni Robredo matapos maglunsad ang kanyang detractors ng counter-campaign laban sa kanyang mga taga-suporta na nananawagang tumakbo siya sa pagkapangulo sa susunod na taon.


Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, nasurpresa si Robredo dahil marami pa ring tao ang sinasayang ang kanilang oras sa kanya.

“Nagugulat ako kasi sinasabi nila ‘Kulelat sa survey’, ‘Wala ‘yan, hindi ‘yan mananalo’. Eh, bakit pinag-aaksayahan nila ako ng panahon? Ang pag-aksayahan nila ng panahon yung mataas sa survey,” ani Robredo.

Dagdag pa ni Robredo, marami ang sinasayang ang kanilang pera para humikayat ng mga tao na sirain siya online.

“Ang baba ko naman sa survey, bakit kayo maggagastos. Ang daming gumagastos kasi nananahod yung marami eh. Bakit pinagkakagastusan niyo ako?” ani Robredo.




Panawagan ni Robredo sa mga kritiko at trolls na hayaan nilang gawin ang kanyang trabaho.

Sa kabila ng mga natatanggap na insult at fake news, mahalaga aniyang nagagawa niya nag kanyang tungkulin.

Facebook Comments