VP Robredo, personal na pinasalamatan ang Vietnamese ambassador

97

Manila, Philippines – Nagpasalamat mismo si Vice President Leni Robredo kay Vietnamese Ambassador Ly Quoc Tuan dahil sa pag-rescue sa 22 na mangingisda ng FB Gem-Ver 1 sa Recto Bank sa West Philippine Sea (WPS).

Ginawa ni Vice President Leni Robredo ang pasasalamat sa ginawang pagbisita ng Vietnamese ambassador sa Reception House ng Bise Presidente sa Quezon City.


Ito ang kauna-unahang oportunidad na nagkaharap ang bise presidente at ng ambassador ng Vietnam.

Pinag-usapan din nina VP Robredo at Ambassador Ly ang mga nakamit ng ilang Pilipinas at Vietnam  sa ilang dekadang pagkakaibigan.

Pinuri ng Vietnamese ambassador ang Philippines ang mga nagampanan ng Pilipinas partikular sa pagpasa sa Universal Healthcare Law.

Facebook Comments

From Advertisers