VP Robredo, pinayuhan si BBM na tanggapin dapat ang resulta ng eleksyon

281

Pinayuhan ni Vice President Leni Robredo si dating Senador Bongbong Marcos na tanggapin ang resulta ng eleksyon o kaya naman ay huwag nang tumakbo.

Ito ang unsolicited advice ng Bise Presidente kay Marcos matapos lumabas sa vote recount ng Presidential Electoral Tribunal (PET) na lumamang pa si Robredo kay Marcos ng higit 15,000 boto kasunod ng revision at recount ng mga balota sa pilot provinces – Camarines Sur, Iloilo, at Negros Oriental.


Ayon kay Robredo – malayang tumakbo sa susunod na eleksyon si Marcos dahil karapatan naman niya ito.

Pero dapat siguruhin ni Marcos at ng iba pang tatakbo sa public office na tanggapin ang anumang magiging resulta ng halalan.

Aniya, tumakbo nga pero hindi tanggap ang election results – ay mas mainam na huwag nang tumakbo kailanman.

Matatandaang nag-anunsyo na si Marcos na tatakbo para sa isang national position sa 2022.

Facebook Comments
From Advertisers