VP Robredo, sasailalim sa swab test matapos ma-expose sa COVID-19 positive

47

Pitong araw nang nasa self-isolation si Vice President Leni Robredo matapos ma-expose sa isang COVID-19 positive individual noong nakaraang linggo.

Ayon kay Robredo, wala pa naman siyang nararanasang sintomas ng sakit.


Nakatakda siyang sumailalim sa swab test ngayong araw, na inirekomenda ng kanyang doktor.

Umaasa at ipinapanalangin ni Robredo na magiging negatibo ang resulta.

Bukod kay Robredo, ang kanyang Chief of Staff na si Philip Dy at iba pa niyang staff ay naka-self-quarantine matapos siyang magkaroon ng close contact sa isang COVID-19 positive individual.

Hindi ito ang unang beses na na-expose ang Bise Presidente sa isang taong nagpositibo sa COVID-19.




Nitong Hulyo, sinuspinde ang operasyon ng kanyang tanggapan matapos magkaroon ng COVID-19 ang apat niyang staff.

Facebook Comments