VP Robredo, umaasang magiging ‘inspirational’ ang SONA ni PRRD

49

Umaasa si Vice President Leni Robredo na mabibigay ng isang “inspirational” State of the Nation Address (SONA) si Pangulong Rodrigo Duterte na magkakaisa ang bawat Pilipino at ang buong bansa.

Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, hiling ni Robredo na ang magiging talumpati ng Pangulo ay magsilbing panawagan para magtulung-tulong na solusyonan ang mga problema.


Kinumpirma ni Robredo na dadalo siya sa SONA ng Pangulo dahil obligasyon niya ito bilang isang bise presidente at sa kabila na rin ng kanilang pagkakaiba ng pananaw sa mga polisya.

Facebook Comments

From Advertisers