VP Robredo, umaasang makakalaya si Sen. De Lima

Manila, Philippines – Umaasa si Vice President Leni Robredo na makakalaya si Senator Leila de Lima at malilinis ang kanyang pangalan mula sa umano’y pagkakasangkot sa ilegal na droga sa New Bilibid Prison.

Iginiit niya na sana ay madesisyunan na ang kaso na wala namang basehan.

Ayon kay Robredo na ang pagkakakulong kay De Lima ay nagpapawalang saysay sa kanyang function bilang senador.


Ipinagdarasal din ni Robredo si De Lima at ang kalusugan ng kanyang ina.

Mula Pebredo 2017 ay ikinulong na si De Lima sa Kampo Krame.

Facebook Comments