
Kinumirma ng Office of the Vice President (OVP) ang personal trip ni Vice President Sara Duterte patungong Kuala Lumpur, Malaysia.
Kasama ni VP Sara sa nasabing biyahe ang kanyang pamilya.
Ayon sa OVP, nakatakda ring dumalo ang pangalawang pangulo sa Independence Day celebration sa June 12 .
Haharap din si VP Sara sa Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Malaysia para sa konsultasyon kaugnay ng programa ng kanyang tanggapan.
Hindi naman nabanggit kung kailan ang balik sa Pilipinas ng pangalawang pangulo.
Facebook Comments