VP Sara Duterte, duda sa resulta ng halalan sa pagka-senador nitong Mayo

Duda si Vice President Sara Duterte sa naging resulta ng halalan sa pagka-senador sa nakalipas na eleksyon nitong Mayo.

Sa kanyang talumpati sa harap ng Filipino community sa Kuala Lumpur, Malaysia kaugnay ng Araw ng Kalayaan, sinabi ni VP Sara na ang alam niya ay nanalo talaga sina Jayvee Villanueva Hinlo, Jr., Jimmy Bondoc, at Richard Mata sa pagkasenador

Ayon pa sa pangalawang pangulo, may mga kinonsulta rin siyang information technology experts at maging ang mga ito ay nagulat sa resulta ng halalan sa pagka-senador.

Hinimok na rin ni VP Sara ang PDP-Laban na kuwestiyunin ang naging resulta ng eleksyon nitong Mayo.

Idinagdag ni VP Sara na ibinase niya rin ang kanyang obserbasyon noong 2022 elections sa naging resulta ng overseas absentee voting nung tumakbo siya sa pagka-bise presidente.

Facebook Comments