VP Sara Duterte, hinimok ang OFWs sa kanyang Independence speech sa Malaysia na mag-demand ng pagbabago sa pamahalaan

Hinimok ni Vice President Sara Duterte ang Overseas Filipino Workers (OFWs) na mag-demand ng pagbabago sa pamahalaan sa harap ito ng aniya’y napakadilim na sitwasyon ngayon sa Pilipinas.

Sa kanyang Independence Day speech sa harap ng Filipino community sa Kuala Lumpur, Malaysia, tiniyak din ni VP Sara na maipapanalo niya at ng sambayanang Pilipino ang mga laban na ipinupukol ng mga nasa poder na aniya nais magpatahimik sa kanya.

Hindi rin naiwasan ni VP Sara ang paglabas ng sama ng loob sa pagsuko kay dating Pangulong Rodrigo Duterte at ang impeachment case laban sa kanya na aniya’y bahagi ng panggigipit ng administrasyon.

Tiniyak din ni VP Sara na may pag-asa ang mga Pilipino at hindi aniya basta-basta mapapabagsak ang “maisug” o matapang na mga Pilipino.

Biniro rin ni VP Sara si Senadora Imee Marcos na aniya siyang dapat mag- uwi sa Pilipinas sa dating Pangulo dahil ang kapatid aniya nito ang nagsuko kay Pangulong Duterte sa International Criminal Court (ICC).

Facebook Comments