VP Sara Duterte, inaasahang magsasalita na bukas sa pag-impeach sa kanya ng Kongreso

Inaasahang magsasalita na si Vice President Sara Duterte bukas kaugnay ng pag-impeach sa kanya ng Kongreso.

Alas-10:00 ng umaga bukas, haharap sa media si VP Sara Duterte mula sa kanyang tanggapan sa Mandaluyong City.

Una nang inihayag ni VP Sara na matagal nang pinaghandaan ng kanilang legal team ang impeachment laban sa kanya.


Sa statement naman kahapon ng kapatid ng pangalawang pangulo na si Davao City Rep. Paolo “Pulong” Duterte, inihayag nito na walang basehan ang reklamo laban kay VP Sara.

Aniya, malinaw na political persecution ang pag-impeach sa kanyang kapatid.

Kabilang sa grounds na ginamit sa impeachment complaint laban sa pangalawang pangulo ay betrayal of public trust, culpable violation of the constitution, graft and corruption, at iba pang itinuturing nilang high crimes.

Facebook Comments