VP Sara Duterte, inatasan ang mga security head ng bansa na huwag maawa sa mga kriminal at terorista

Inatasan ni Vice President Sara Duterte ang mga security head ng bansa na huwag maawa sa mga kriminal at terorista.

Ayon kay VP Sara, pinag-usapan nila ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) sa Major Command Conference kanina, ang maigting na kampanya laban sa kriminalidad at terorismo.

Tiniyak din sa pulong na mahigpit ang koordinasyon ng mga ahensya habang abala sa state visit si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.


Bukod dito, natalakay rin ang pagbabalik ng mandatory Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) sa higher education.

Samantala, wala namang nakikitang banta sa seguridad ng bansa si VP Sara habang nasa state visit si Pangulong Marcos.

Facebook Comments