VP Sara Duterte, naniniwalang mahalaga ang pagpapatawad ngayong Pasko

Naniniwala si Vice President Sara Duterte na mahalaga ang pagpapatawad ngayong Pasko.

Gayunman, inihayag nito na siya ay hindi magpapatawad.

Hindi naman tinukoy ni VP Sara kung sino ang kaniyang pinatutungkulan nito.


Pinayuhan din ng pangalawang pangulo ang mga botante na maging mapanuri sa kanilang pagboto sa halalan sa Mayo ng susunod na taon.

Samantala, nananatili namang tahimik si VP Sara sa isyu ng dalawang impeachment case na inihain laban sa kaniya sa Kongreso.

Facebook Comments