VP Sara Duterte, pinayuhan ang PNPA graduates na huwag hahayaang mabahiran ng mali ang kanilang propesyon tulad ng pagkanulo sa kapwa Pilipino

Nagpaabot si Vice President Sara Duterte ng pagbati sa mga nagsipagtapos sa Philippine National Police (PNP) Academy Sinaglawin Class of 2025.

Pinasalamatan din ni VP Sara ang matatapang na kalalakihan at kababaihan sa kanilang pagpili sa PNPA, para sa kanilang hangarin na makapaglingkod sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga batas at kapayapaan sa mga komunidad.

Pinaalalahanan din ng pangalawang pangulo ang PNPA graduates na kasabay ng kanilang kahandaan na magsilbi, sana aniya ay lagi nilang piliin ang tama at huwag hayaan na mabahiran ang kanilang propesyon ng mali katulad ng pagkakanulo sa kapwa Pilipino.

Pinayuhan din sila ni VP Sara na protektahan ang bansa laban sa katiwalian, sa mga gutom sa kapangyarihan at sa mga sumisira sa pagpapahalaga ng mga Pilipino sa prinsipyo at integridad.

Nagpaalala rin si VP Sara sa PNPA graduates na walang karangalan para sa mga magtatraydor sa interes ng mga Pilipino at ng bansa.

Facebook Comments