
Kinumpirma ni Vice President Sara Duterte na dumating na sa The Netherlands ang kapatid niyang si Cong. Paulo Duterte.
Ayon kay VP Sara, si Cong. Pulong ang papalit sa partner ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na si Honeylet para mag-asikaso sa mga pangangailangan ni dating Pangulong Duterte sa ICC Detention Center.
Nakatakda na rin aniya kasing umuwi ng Pilipinas ang partner ni FPRRD.
Kinumpirma rin ni VP Sara na nakauwi na rin ng Pilipinas ang kapatid niyang si Kitty Duterte.
Facebook Comments