Nagpaabot ng kanyang pagbati si Vice President Sara Duterte sa graduation ng SIKLAB – Laya Class of 2025 ng Philippine Military Academy o PMA .
Sa opisyal na pahayag ni VP Duterte, binanggit nito ang pagmamahal sa bayan na ipinamalas ng mga kadete ng piliin na makapasok sa PMA na syang pinipili ng mga tunay na matatapang at mga nagmamahal sa bayan na nagpapakita ng lakas, integridad at karangalan sa bansang naghahangad na mapagtagumpayan ang laban sa mga mapang abuso sa kapangyarihan at hindi pagkakapantay – pantay na lalung ramdam sa mga mahihirap na kumunidad.
Nanawagan din si VP Sara sa mga magsisipagtapos na kadete na maging instrumento na magsusulong ng kabutihan, ng tama , ng katotohanan at tunay na pagbabago sa buhay ng mga pilipinong patuloy na nangangarap, nagsusumikap at umaasang magtatagumpay sa buhay.
Umapila rin ang pangalawang pangulo sa mga magsisipagtapos na huwag maging kasangkapan ng pagmamalabis, pagtatraydor at pagpapahirap ng mga nasa kapangyarihan sa mga kapwa Pilipino na katulad ng mga kadete na matapang manindigan para sa kabutihan, sa tama at sa katotohanan at sa tagumpay ng mga pilipino.
Hinamon din ni vp sara ang PMA SIKLAB- Laya na panatilihin ang kahalagahan ng pagiging independent, non – partisan at propesyunal na institusyon .
lalung lalo na sa pagtatanggol ng konstitusyon at hindi magpa impluwensya sa materyal na bagay, political pressure at dayuhang impluwensya.