WAG JUDGMENTAL | Sofia Andres, umapela na hayaan siyang ipakilala ang tunay na sarili

97

Manila, Philippines – Umaapela ngayon ang isa sa mga lead stars ng ‘Bagani’
na si Sofia Andres na bigyan siya ng pagkakataong ipakilala ang kaniyang
totoong sarili.

Say ng aktres, huwag raw siyang i-judge ng ganoon kadali. Madami raw ang
nag-aakala na suplada siya tuwing hindi siya ngumingiti pero itinanggi ito
ng aktres at sinabing tahimik lang talaga siya.

Dagdag pa ni Andres, naging wake-up call sakaniya na napansin ito ng media,
at aniya ay mayroon pa talaga siyang dapat na i-improve.

Matatandaang, inulan ng batikos si Andres dahil sa di umano’y attitude
problem nito, dahil sa walang tigil sa pag-gamit ng kaniyang cellphone
kahit pa kaharap ang entertainment media at nagdadaos ng presscon.

www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments